-- Advertisements --
image 444

Nasa P27.3 milyong halaga ng umano’y smuggled na asukal mula sa China ang nasabat ng Department of Agriculture (DA) sa serye ng mga inspeksyon sa Manila International Container Port (MICP).

Isinagawa ang mga inspeksyon kasunod ng tip na natanggap ng tanggapan ni Department of Agriculture Assistant Secretary James Layug.

Tatlo sa 11 container van ang orihinal na idineklara na naglalaman ng mga extra motorcycle parts, ngunit ang mga awtoridad, sa isang inspeksyon kamakailan, ay natagpuan ang mga sako ng asukal.

Bukod sa 11 nabanggit, anim pang container van ang kasalukuyang sumasailalim sa naturang inspeksyon.

Ang mga inspeksyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard, Bureau of Customs, Bureau of Plant Industry at Philippine Drug Enforcement Agency.

Sa ngayon, ang consignee ng shipment ay nahaharap sa reklamo para sa paglabag sa Food Safety Act of 2013 at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.