DAVAO CITY – Nabuwag ng mga otoridad ang isang drug den sa Tagum City sa davao del Norte.
Batay sa ulat, tinatayang aabot ng halos P270-M na halaga nga mga illegal na druga na pinaniniwalang shabu ang nakuha ng mga otoridad mula sa isang drug den sa Purok Aquarius, Barangay Visayan Village Tagyum City, Davao del Norte.
Inihayag ni PDEA 11 regional Director Antonio Rivera, arestado sa isinagawang operasyon ang isaka Israel Labang Barabad, alyas Ace, 34 anyos at reidente ng nasabing lugar na siyang subject ng buy bust operation.
Arestado rin ang limang mga parokyano nito na nadatnan ng mga otoridad sa loob ng naturang drug den.
Nakumpiska ng PDEA ang mga sachet ng shabu na tinatayang aabot ng P270, mga drug paraphernalia at marked money.
Ibinugyag ni Rivera na matagal na nilang mina-manmanan ang mga aktibidad ng naturang suspect hanggang mahulog na ito sa kamay ng mga otoridad.
Nagbabala naman ang naturang PDEA official laban sa mga grupo o indibiduwal na patuloy ang pagbebenta ng illegal na druga na hindi sila makakaligtas sa batas.