Arestado ang isang negosyante sa ikinasang entrapment operation ng PNP CIDG Anti-Organized Crime Unit (AOCU) sa pakikipag-ugnayan sa DTI-FTEB dahil sa pagbebenta ng mga overpriced Thermal Scanners.
Isinagawa ang operasyon kahapon March 28,2020 sa may bahagi ng Claro M Recto Ave. cor Aguilar St., Binondo.
Kinilala ni CIDG Director MGen. Joel Coronel ang suspek na si Geoffret Deetan,51-anyos na nagbebenta ng overpriced thermal scanner na nagkakahalaga ng Php4,985.00 bawat piraso.
Batay kasi sa DTI’s suggested price list, ang isang thermal scanner ay nagkakahalaga lamang ng Php3,400.00.
Nakumpiska sa sa posisyon ng negosyante ang mga sumusunod:
– 80 pcs Thermal Scanners worth Php272,000.00;
– 2 piraso ng P500 peso bill powder dusted money.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 7581 (The Price Act) si Deetan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG ang suspek para sa kaukulang documentation.