LEGAZPI CITY – Mababa pa para sa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang alokasyon na P28 billion sa susunod na taon para sa Barangay Development Program na tinitingnang panlaban sa insurhensiya sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director, Undersecretary Joel Sy Egco sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dapat na ibuhos na ang mga programa sa mga barangay na matagal nang napabayaan.
Sa opinyon ni Egco, matinding hirap na ang pinagdaanan ng ilang mga lugar dahil sa nahintong mga pag-unlad.
Ang DBP ang nagbigay ng tig-P20 million sa kada barangay na malaya na sa presensya ng mga rebeldeng grupo.
Kabilang sa sakop ng naturang programa ang pagtutok sa mga proyektong imprastraktura at livelihood programs.
Samantala, nagturnover si Pangulong Rodrigo Duterte at NTF-ELCAC ng BDP projects na umabot sa 70 proyekto sa 30 lokal na pamahalaan na bahagi ng 820 na barangay na target sa kasalukuyang taon.