-- Advertisements --

CEBU CITY – Umabot ng P28 million ang danyos sa pakasunog ng isang warehouse sa N. Bacalso Avenue, Barangay Mambaling, Cebu City kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay FO3 Fulbert Navarro, ang fire investigator ng Cebu City Fire Department, inihayag nito na nagsimula ang sunog pasado alas-12:00 ng hatinggabi na itinaas hanggang sa second alarm.

Ayon kay Navarro, ang nasabing warehouse ay pagmamay-ari ng isang Pablo Maragnon.

Nabatid na nasa loob ng warehouse ay mga school supplies, used oil at mga plastic supplies para sa negosyong milktea, at iba pa.

Wala namang naitalang namatay, maliban na lang sa isang bombero na nakakuha ng first degree burn dahil sa pagkasunog ng kanyang kamay.