TUGUEGARAO CITY- Umaabot na sa P285 milyon ang nasirang halaga ng mga pananim dahil sa nararanasang pagbaha sa hilang bahagi ng Cagayan.
Ayon kay Francis Joseph Reyes ng Office of the Civil defense (OCD)-Region 2, ito ay batay sa kanilang paunang assessment kung saan aasahan na ito’y tataas pa dahil sa lawak ng nararanasang pagbaha.
Sinabi pa niya na apat na ang kumpirmadong patay at isa ang nawawala partikular sa bayan ng peñablanca mula nang maranasan ang pagbaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan sa probinsiya.
Kasalukuyan din ang ginagawang assessment sa mga nasirang imprastraktura maging sa mga livestock.
Dagdag pa ni Reyes na marami ring mga eskwelahan ang lubug sa baha kung kaya’t inaasahan na bukas, araw ng lunes ay wala paring pasok sa mga naapektuhan ng pagbaha.
Samantala, sinabi ni Reyes na passable na ang pangunahing daan papunta sa ilocos region , vice versa, na unang naihayag na hindi madaanan dahil sa taas ng tubig at sa mga naitalang landslide.
Ayon kay Reyes, may mga lugar na bahagya nang humupa ang baha ngunit dahil sa taas ng tubig ng Apayao-Abulug river ay may mga lugar pa rin na labis na nakakaranas ng malawakang pagbaha.
Samantala, sinabi ni Atanacio macalan, head ng PCCDRRMO-Cagayan,ilan na sa mga residente ay nagsiuwian na sakanilang mga tahanan dahil sa bahagyang paghupa ng baha.
Ayon kay Macalan, tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang monitoring lalo na sa mga labis na naapektuhan ng baha maging sa landslide.