-- Advertisements --

casimiro

Tapos nang isailalim sa field functional testing and evaluation ang mga bagong procured na body cameras ng Philippine National Police (PNP) na nagkakahalaga ng P289 million pesos.


Gagamitin ang mga nasabing body cam ng mga police operatives sa kanilang anti-illegal drug operations.

Sa exclusibong panayam ng Bombo Radyo kay PNP Directorate for Logistics MGen. Angelito Casimiro kaniyang sinabi na ongoing ngayon ang pamamahagi ng mga body cam at configuration sa computer system para makita kung talagang gumagana ang mga ito.

bodycam

Nasa mahigit 2,600 body cams ang idi-distribute sa national headquarters, regional police offices, provincial offices hanggang sa municipal police stations sa buong bansa.

Sinabi ni Casimiro sa sandaling tatanggapin o magkakaroon na ng acceptance mula sa PNP, magagamit na ng mga anti-drug units ang mga bagong procured na mga body cam sa kanilang mga operasyon.

Binili ang mga body camera para maging transparent ang anti-illegal drug operations ng PNP lalo na sa mga akusasyon laban sa extra judicial killings.

Samantala, naging kontrobersiyal din nuon ang pagkamatay ng 17 anyos na si Kian Delos Santos sa anti-illegal drug operations ng PNP.

Dahil dito hinimok ang PNP na magkaroon ng body camera sa kanilang anti-illegal drug operations.

Nitong mga nakalipas na linggo sunud-sunod din ang matagumpay na operasyon ng PNP sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Ang pinakabago dito ay ang nasabat na P55 million halaga ng iligal na droga mula sa dalawang couriers na siyang tagahatid ng suplay ng illegal drugs mula Luzon patungong Mindanao.