-- Advertisements --
All set na magbenta ng murang bigas ang pamahalaan pagsapit ng Hulyo o Agosto.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen na nasa P29 kada kilo ang ibebenta nilang bigas sa mga Kadiwa.
Sinabi ni Guillen, mayroon silang aabot sa P100 milyong kilo ng bigas na mapo-produce pagsapit ng Agosto.
Sabi ng opisyal, ang kanilang proyekto ay naging posible sa ilalim ng contract farming na layong pataasin ang produksyon para makamit ang rice sufficiency at security.
Sa ilalim ng contract farming program, binibigyan ng kinakailangang agricultural inputs at kapital ang mga magsasaka para mapalakas ang productivity at competitiveness.
Binanggit ng opisyal na mayroon ding sinabi ang Department of Agriculture na supply rin nito ng murang bigas sa Hulyo.