Posibleng maibenta sa mas murang halaga na P29 kada kilo ang bigas sa Agosto ayon sa Department of Agriculture (DA).
Ipinunto ni Agriculture ASec. Arnel de Mesa na mayroon subsidiya galing sa pamahalaan na ipinatupad na aniya sa ilang lugar.
Una ng nakapabenta ng murang bigas sa pamamagitan ng contract farming ng National Irrigation Administration sa mga kooperatiba at asosasyon ng mga magsasaka.
Ipinaliwanag pa ni De Mesa na naawa ito sa pamamagitan ng mas mababang halaga ng produksiyon bunsod na rin ng pagbibigay ng libreng seedlings, fertilizers, libreng irrigation service fees at machinery mula sa PH Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at iba pa.
Maaring masimulan ang nasabing programa sa pakikipagtulungan sa National Food Authority sa oras na maisapinal na ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law matapos na i-certify as urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malaki ang maitutulong para mas maibaba nag presyo ng bigas sa mga pamilihan.