-- Advertisements --
Kinumpirma ng National Irrigation Administration na muli itong magbebenta ng P29 per kilo na Bagong Bayaning Magsasaka rice.
Batay sa ginawang abiso ng NIA, gagawin ang pagbebenta ng murang bigas sa Biyernes, Disyembre 20 2024.
Magsisimula ang pagbebenta ng naturang uri ng bigas mula umaga hanggang tanghali sa Central Office ng ahensya.
Aabot sa 1,500 na sako ng bigas ang inilaan ng ahensya para sa isang araw na pagbebenta nito sa murang halaga.
Bibigyan namang ng priority ang mga Senior Citizen, Solo Parents, PWDs at 4Ps beneficiaries basta’t magpakita ito ng kaukulang ID.