Umaabot sa P2 million ang halaga ng hinihinalang smuggled frozen meat products ang nakumpiska ng Deparment of Agriculture (DA) sa lungsod ng Pasay sa gitna ng kampaniya ng pamahalaan laban sa agricultural smuggling.
Ayon sa DA’s Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement na nasabat ang nasa 1,034 kilos ng produktong karne mula sa China.
Sa ikinasang raid, nakumpiska ang 700 kilo ng mga smuggled na produktong karne malapit sa Cartimar at minimart sa Pasay city kung saan nadiskubre ang frozen Peking duck, black chicken, kalapati at iba pang meat products.
Hinalugad din ng mga awtoridad ang isang restuarant sa may Mabolo Street sa pasay at nakumpiska ang 334 kilo ng frozen peking duck , koneho, kalapati, yellow chicken, sucking pig at iba pang hindi dokumentadong karne.
Ayon sa meat inspection office, ipinagbabawal ang naturang mga produkto para sa importation dahil sa posibleng panganib sa kalusugan at posibleng dalang virus gaya ng avian flu.
Lahat ng nakumpiskang produkto ay dadalhin sa condemnation facility para sirain at para hindi na maibenta pa.