BUTUAN CITY – Dumulog sa Bombo Radyo Butuan ang iilang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Israel at iba pang bansa matapos ma-scam ng Unify investment company at natangay ng nagpakilalang Chief Executive Officer ng kompanya na si Raymond Sombrero ang mahigit P3.3B na kanilang investment.
Ayon sa isa sa mga nabiktimang si Irene Repuela Torres, OFW ng Israel, bigla na lamang hindi na ma-contact si Sombrero matapos makipag-zoom meeting sa kanila hanggang na bigla na lang itong naglahong parang bula.
Natangay ang kanyang P100K na na-pay in pati na ang mahigit sa kalahating milyong piso na na-invest din ng kanyang mga na-invite matapos na sa unang parte ng kanilang investment ay nakapag-payout pa sila ng 200-porsiento sa kanilang pera.
Samantala inihayag naman ni Honey Leon na umabot sa P200K ang perang natangay mula sa kanya matapos ang ilang beses na nyang pag-payout simula pa itong Marso ngayong taon.
Ang kanya umanong na-payout pati na ang kanyang nakuhang porsiento mula sa kanyang mga na-invite, ay kanyang nai-pay in at kasama ngayon sa natangay ni Sombrero at ng kanyang mga alipores na miyembre ng LGBTQ community.