-- Advertisements --

Umaabot sa P3.4-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa mag-tiyahan sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Intelligence Officer 4 Leverette Lopez, isinagawa ang transaksyon sa bahay ng mga suspek.

Lumabas din sa imbestigasyon na nakakulong ang asawa ng suspek sa kasong iligal na droga.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga suspek.