-- Advertisements --

Zamboanga City – Nasa tinatayang kalahating kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P3.4 million ang muling nasabat sa Barangay Divisoria, Ciudad ng Zamboanga sa harap ng isang fastfood chain sa pamumuno ng PDEA Zamboanga City Officer Jury Rocamora kasama ang Zamboanga City police Stations 4 and Station 5 at ng 74th infantry battalion.

Nakilala ang mga suspects na sina Aljimar Jimla at Alner Andao at nakuha sa posesyon ng mga suspect ang pitong bundle ng Boodle money na pinatungan ng tig P1,000 , sampung heat sealed na pakete ng hinihinalang shabu, tatlong cellphone, ilang mga plastic at eco bags at isang bongo truck.

Sa Panayam ng Star FM Zamboanga kay PDEA Zamboanga City Information Officer Darmalyn Jumlail, malaki ang posibilidad na mula sa timog na bahagi ng Mindanao, kabilang na ang Tawi tawi at Sulu ipinapasok ang malalaking halaga ng Shabu mula sa mga karatig bansa.

Sa ngayon ay nakakulong na ang mga suspect at kinakaharap ang karampatang mga kasong isasampa ng mga otoridad.