COTABATO CITY – Nakumpiska ang abot sa kalahating kilo ng pinaghihinalaang shabu sa isang 22 anyos na lalaki sa ikanasang joint-buybust operation ng PDEA Maguindanao Provincial Office, PDEA Basilan Provincial Office, PNP Maritime, 99IB, Task Force Kutawato, CCPO-PS3, NBI, HPG – BARMM at CPDEU sa bahagi ng Tamontaka 1, Cotabato City.
Nakuha mula sa suspek ang sampung pakete ng pinaniniwalaang shabu na aabot sa 500 grams at nagkakahalaga ng 3.4 million pesos.
Kinilala ni PDEA Maguindanao Assistant Police Officer Agent Ar Ar ang suspek na si Buhare Totin Abusupian alyas Warex Guinno Totin, 22 years old at residente ng Talayan, Maguindanao.
Naniniwala naman si Agent Ar Ar na maliban kay alyas Warex Guinno Totin may mga kasama pa ito.
“Siya lang po kasi yong nag approach sa amin, poseur buyer. So naglalakad siya, kaya siya lang ang aming nahuli. Nakuha sa kanya ang more or less kalahating kilo ng shabu, higit 3 million rin ang halaga nito.” Ani Agent Ar Ar.
Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.