-- Advertisements --

COTABATO CITY – Nakumpiska sa dalawa katao ang 500 grams na pinaghihinalaang shabu na may National Average Price na P3.4 milyong, matapos ang ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PDEA BARMM, nitong alas-12:50 ng tanghali sa Federville, Kalaw St. Cotabato City.

Sa initial report ng PDEA BARMM, nadakip ang suspect na si Benjamin Bolod Roger, habang nakatakas naman ang kasama nito na kinilalang si alyas Aya na patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

“Nag conduct tayo ng Drug Buy Bust Operation which resulted to the arrest of Benjamin Bolod Roger, isang masamang balita dito is dahil itong taong ito galing ito ng Datu Salibo, Maguindanao but ginagawa nilang transaction area itong Cotabato City” Ani PDEA Maguindanao Assistant Provincial Officer Agent Jing.

Nakuha sa mga suspect ang 10 heat sealed transparent sachet na pinaniniwalaang shabu. Isang Genuine P1,000 peso bill, Cellphone, at 3 hundred pesos.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PDEA BARMM ang suspect habang nagpapatuloy ang manhunt operation kay alyas Aya.