CENTRAL MINDANAO-Tatlong drug dealer ang nahuli ng mga otoridad sa inilunsad na drug buybust operation sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang mga suspek na sina Rahib Malingco,Fahad Abdullah at Maribel Carillo.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Barangay Poblacion Pikit North Cotabato katuwang ang PDEA-12,Pikit MPS at 90th Infantry Battalion Philippine Army.
Nang i-abot na ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA-12 ay doon na sila hinuli at pinosasan.
Narekober sa mga suspek ang kulay asul na bag na naglalaman ng 10 malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng 500 grams na nagkakahalaga ng P3.4M ,buybust money, isang kalibre.45 na pistola, mga bala, isang Honda Click 125i, isang cellphone at mga personal na kagamitan.
Sinabi ni Director Azurin na ang mga suspek ay mga high value target (HVT) at sangkot sa large scale illegal drug trade.
Sa ngayon ang mga suspek ay nakapiit na sa costudial facitity ng Pikit PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.