-- Advertisements --

ZAMBOANGA CITY – Nakumpiska mula sa dalawang drug suspect ang humigit kumulang kalahating kilo ng pinaghihinalaang shabu sa ginawang drug buy bust operation sa harapan ng isang fastfood sa La Purisima St., Barangay Zone 3 kagabi.

Sa isang report na isinumite kay PDEA Director General Aaron Aquino at Director II Edgar Jubay, PDEA 9 acting regional director, kinilala ang dalawang drug suspects na sina Oma Mhuktar Mahamud y Sarang, 40, residente ng Tiglapay, Tungawan, Zamboanga Sibugay at si Alih Jain y Datag, 40, residente ng Flamingo, Upper Calarian, Zamboanga City.

Ang nakumpiskang kalahating kilo ng pinaghihinalaang shabu ay nakalagay sa isang heat-sealed transparent plastic sachet at may market value na P3.4 million.

Nakumpiska rin mula sa mga suspects ang 9 bundles na boodle money, sling bags, hand grenade, live .45 ammunition at keypad cellphone.

Samantala, ang drug suspects ay kakasuhan na tulad sa paglabag sa Article 2, Section 5 ng RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002 , RA 10591 o comprehensive law of firearms and ammunition at RA 9516.

Inilunsad ang operasyon sa pamamagitan ng pagsanib pwersa ng PDEA Region 9 at Station 2 ng Zamboanga City Police Office.