-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang kakasuhan sa paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang miyembro ng illegal drug syndicate na nakabase sa Mindanao na naaresto sa Barangay Kauswagan, Cagayan de Oro City.

Ito ay matapos isinagawa nang pinag-isang anti-drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) kasama ang ibang unit ng PNP at PDEA upang masiguro na maaresto ang targeted drug personalities.

Kinilala ni PDEG spokesperson Lt. Joey ang mga suspek na sina Hannah Reina Calub Ledon na residente sa Valenzuela Road ng Barangay Lapasan ng Cagayan de Oro City at Ian Von Carretero Alegra na nagmula naman sa Barangay Barra, Opol, Misamis Oriental.

Inihayag ni Joey na nakumpiska mula sa mga suspek ang nasa mahigit-kumulang 500 gramo ng suspected shabu na initial street market value na P3.4 milyon.

Narekober din ang tinatayang mahigit isang milyong boodle money na ginamit sa transaksyon.

Kapwa tumanggi ang mga suspek magbigay komento matapos ang kanilang pagkaaresto.

Sinabi ni agent Joey na mayroon pa sila isasagawa na follow up operations batay na rin sa makukuha nila na mga impormasyon mula sa dalawang arestadong mga suspek.