-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang drug dealer sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Alinor Taurac at Ibra Farhan, incumbent Barangay Kagawad ng Barangay Guinaopan, Tamparan, Lanao del Sur.

Ayon kay PDEA Maguindanao Provincial Officer Anthony Naive na nagsagawa sila ng drug buybust operation katuwang ang pulisya sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao.

Nagtangka pa sanang tumakas ang mga suspek gamit ang kanilang Toyota Revo (WHF 481) ngunit na-korner na ito ng nga otoridad.

Nakuha sa kanila ang kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon pesos.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Sultan Mastura PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.