CENTRAL MINDANAO-Naaresto ng mga otoridad ang isang bigtime drug trafficker sa Maguindanao.
Nakilala ang suspek na si Nadzmie Ameril alyas Samir.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Brgy Makir Datu Odin Sinsuat Maguindanao katuwang ang Datu Odin Sinsuat PNP at 90th Infantry Battalion Philippine Army.
Nang i-abot na ni Ameril ang tinatayang isang kilo ng shabu sa PDEA-Asset ay doon na siya inaresto.
Sinabi ni Director Azurin na matagal na nilang minamanmanan ang galaw ng sauspek na sangkot sa large scale illegal drug trade sa Maguindanao at Cotabato City.
Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BARMM ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.