-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Namahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng iba’t-ibang kagamitan na nagkakahalaga ng P3.6-M sa mga magsasaka sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon kay Provincial Agrarian Reform Officer Adela Damaso, naibigay ang mga kagamitan sa pamamagitan ng Climate Resilient Farm Productivity Support Program (CRFPSP).

Inihayag niyang para ito sa mga magsasakang naapektuhan sa pagbabago ng klima at sa pag-angkat ng bansa ng bigas.

Naipasamakay sa mga benepisaryo ang tatlong kubota tractors, tatlong hand tractor engines, tig isang mini-rice mill, mini-garden tiller, corn hammer mill, shredder at dalawang grass cutters.

Umaasa si Damaso na sa tulong ng mga nasabing materyales ay uunlad ang produsyon ng mga magsasaka.