BUTUAN CITY – Kinasuhan na ng paglabag ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong mga drug pushers matapos ang matagumpay na drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkakumpiska ng 13,600,00 na halaga ng suspected shabu.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PLCol. Diomedes Cuadra , hepe ng Surigao City Police Station, na naganap ang operasyon sa compound ng Philippine Ports Authority sa Brgy. Lipata, Surigao City, Surigao del Norte pasado alas-sais kagabi.
Ang ilegal na druga ay nakuha mula sa posisyon nina Jamil Mawi alyas Diala, 48-anyos at Naif Abdul alyas Janalan, 37-anyos, parehong residente ng Brgy. Langkaan, DasmariƱas, Cavite at Aminodin Ampaso alyas Din, 33-anyos, residente ng Brgy. Maranding, Lala, Lanao del Norte t parehong mga high-value individuals.
Ang naturang halaga ay mula sa nakumpiskang dos-kilos na shabu kukngsaan nakuha din mula sa kanilang posisyon ang isang electric weighing scale; Ford Ranger pick-up, at kanilang mga personal na gamit.