-- Advertisements --

Aabot na sa Php3.6-million na halaga ng tulong ang naipamahagi na ng pamahalaan sa mga biktima ng pananalasa ng Bagyong Aghon sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, bahagi pa rin ng nagpapatuloy na mabilis na pagtugon ng gobyerno sa mga kababayan nating apektado ng naturang kalamidad.

Sa datos ng ahensya, partikular na ipinamahagi ang naturang mga tulong sa mga indibidwal na apektado ng Aghon mula sa mga rehiyon ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol region, at Central Visayas.

Kinabibilangan ito ng family food packs, hot meals, hygiene kits, at marami pang iba.

Samantala, sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga miyembro ng kanilang response clusters maging sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, at maging Department of the Interior and Local Government para sa pagtukoy sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng nasabing bagyo.