-- Advertisements --
SUNOG
Sunog sa Tacloban

TACLOBAN CITY – Patuloy pa na inaalam ng Bureau of Fire Protection ang naging sanhi ng sunog sa palengke ng Dulag Public Market sa Dulag, Leyte, na tumupok sa P3.6 million halaga na ari-arian

Una rito, kinain ng nagngangalit na apoy ang apat na mga stalls na gawa sa semi concrete materials banda alas 3:45 kahapon.

Ayon kay FO1 Mac Jogie Lagarto ,fire investigator ng Dulag Fire Station, lumampas muna ng isang oras bago napatay ng mga rumespondeng bumbero ang makapal na apoy.

Humingi naman sila ng tulong sa iba pang fire stations sa kalapit na mga munisipyo para maapula ang sunog.

Ayon pa sa fire investigator na madaling nagliyab ang apoy dahil sa mga tindang dry goods ng mga stall owners at luma na rin ang struktura ng public market.

Dineklara naman na fire out ang lugar banda alas 5:40 kung saan wala namang naitalang casualty o sugatan sa nangyaring insidente.