-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Education na nag-iwan ng P3.7 billion na halaga ng pinsala ang bagyong Kristine sa mga paaralan at iba pang imprastruktura sa sektor ng edukasyon.

Base sa pagtaya ng ahensiya, nasa P2.9 billion dito ay kailangan para sa reconstruction at P737.5 million para sa malakihang pagsasaayos ng mga nasirang gusali.

Bilang tugon dito, pinakilos na ng Department of Education (DepEd) ang rapid response effort para makatulong sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga estudyante at mga guro matapos ang pananalasa ng bagyo.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, ang bawat araw na walang pasok ay kawalan ng pagkakataong matuto kayat inuuna nila ang rehabilitation efforts para maibalik sa normal ang education system sa lalong madaling panahon.

Naglunsad na rin ang DepEd ng isang komprehensibong recovery plan na layuning matulungan ang mga estudyante na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral nang wala ng pagkaantala.

Kabilang na dito ang pagpapalit sa mga nasirang learning resources gaya ng mga libro, computer packages at iba pa.