-- Advertisements --
San Antonio Makati City
San Antonio Makati City

Aabot sa halos P3 bilyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang Chinese sa Lungsod ng Makati.

Matapos ang makumpirma ng PNP ang ulat sa pagbebenta ng iligal na droga ng suspek ay agad nilang nilusob ang bahay ng suspek sa Brgy. San Antonio, Makati City.

Nagulat na lamang ang mga kapulisan ng makita sa lugar ang bulto-bultong hinihinalang shabu.

Umabot pa sa ilang oras bago matapos ng kapulisan ang imbentaryo sa mga drogang nakumpiska.

Personal pang binantayan ni PNP OIC Lt. General Archie Francisco Gamboa ang pag-imbentaryo sa iligal na droga.

Nasa 400 kilo ang bigat ng droga na nakumpiska kung saan inihalo pa ang mga ito sa dog food.

Sa ngayon ay inaalam na ng kapulisan kung sino-sinu pa ang mga kasamahan o kung anong organisasyong napapaloob ang suspek.