Hinimok ni Sen. Risa Hontiveros ang pamahalaan na i-realign na lamang sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao ang hindi nagamit na pondo ng National Housing Authority’s (NHA).
Ayon kay Hontiveros, P3-bilyon ang hindi nagamit sa ilang proyekto ng NHA na maaaring mailaan sa iba pang pangangailangan.
Giit ng mambabatas, maituturing na “urgent” ang pangangailangan ng mga biktima ng lindol, dahil apektado na ang kalamidad ang kanilang araw araw na pamumuhay.
“We don’t want these funds to go stale, so it’s better that they be dedicated to the most urgent needs. Dahil sa pinsala na dulot ng lindol sa maraming panig sa Mindanao, maigi na maglaan ang gobyerno ng dagdag na pondo para sa pabahay at imprastrakturang rehabilitasyon ng mga kababayan natin sa Mindanao,” wika ni Hontiveros.
Sinabi ng lady solon na lumalabas sa pagsusuri na isa ang NHA sa mga tanggapan na may low utilization rates para sa kanilang natatanggap na pondo.
Last edited by Bombo Bam on Mon Nov 18, 2019 3:55 pm, edited 1 time in total.