-- Advertisements --

Target ng pamunuan ng Department of Agriculture na magtayo ng tatlong bilyong pisong halaga ng cold storage facility sa bansa para sa mga gulay at maging sa mga high value crops ngayong taon.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., makatutulong ito upang mapababa ang shelf life ng iiimbak na gulay, prutas at maging mga high value crops.

Mapapanatili rin nitong stable ang supply nito kabilang na ang presyo.

Ayon sa ahensya, patatakbuhin ng kuryente mula sa renewable energy sources ang mga refrigerated warehouse.

Inaasahan naman ng Department of Agriculture na gagana na ang mga maliit na pasilidad ng cold storage facility ngayong taon.

Ito ay proyektong bahagi lamang ng komprehensibong logistics master plan ng ahensya mula sa kanilang Agriculture and Fisheries Logistics Office.