-- Advertisements --

KALIBO CITY – Aabot sa higit sa P3-milyong ang halaga ng naitalang danyos mula sa sunog na tumupok sa pitong tinadahan sa Caticlan Public Market.

Batay sa ulat, umabot ng hanggang second alarm ang insidente na sinasabing nagsimula sa isang tindahan na halos isang buwan nang sarado dahil sa malawakang quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Fire Senior Insp. Lorna Parcillano, Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Malay, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng kanilang hanay sa insidente.

Bukod sa ilang pwesto ng tindahan, nadamay din sa sunog ang dalawang katabing bahay ng palengke.

Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng na bibigyan nito ng tulong ang mga naapektuhan ng sunog, lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay sa palengke.