-- Advertisements --

Nasa P3 milyon halaga ng droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa buybust operation sa Marikina City.

Naaresto ang target ng operasyon na isang 32 anyos na lalaki sa brgy. Calumpang.

Ayon sa mga umarestong otoridad, isinagawa ang operasyon sa harap ng isang mall sa Marcos Highway at matapos ang abutan ng droga ay agad na hinuli ang suspek.

Inihahanda na rin ng mga otoridad ang kaso laban sa naarestong suspek.