CEBU – Umabot sa halos 3 milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Cebu City Police Office at PDEA 7 sa hiwalay na buybust operation.
Nahuli ng Mabolo Police Station ng CCPO ang subject ng kanilang operasyon na si Robert Solon, 46 taong gulang na taga Barangay Upper Carreta, lungsod ng Cebu.
Nakuha galing kay Solon ang 140 grams na shabu na nagkakahalaga ng P904,000.
Habang, sa operasyon naman ng Philippine Drug Enforcement Unit 7 ay nahuli naman ang isa pang drug personality na si Jerick Calugcugan ng Barangay Cadawinonan, Dumaguete City, Negros Oriental.
Nakuha sa posisyon ng subject ang 300 grams na shabu na nagkakahalaga ng P2,040,000 at mga drug paraphernalia.
Nakakulong ngayon ang mga drug suspect at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).
Kung maalala na kahapon, mahigit 23 milyong pisong halaga ng pinagbabawal na gamot ang nasabat ng PNP sa magkakasunod na mga buybust operations dito sa lalawigan ng Cebu.