DAVAO CITY – Doble ang isinagawang operasyon ng mga operatiba ng Davao del Sur laban sa mga nasasangkot sa illegal na druga.
Nabatid na halagang P3 million na marijuana ang sinunog ng otoridad sa dalawang operasyon sa Sitio Siman Da-ag, BarangayTacub, Kiblawan, Davao del Sur.
Aabot sa 15,000 fully grown Marijuana plants ang sinunog sa kasagsagan sa anti-illegal drugs operations sa nasabing barangay.
Una ng pinangunahan ang operasyon sa mga personahe ng Special Operations Unit 11 (SOU 11) PNP Drug Enforcement Group, Kiblawan Mobile Force Company, 1st Davao del Sur Provincial Mobile Force Company at 39th Infantry Battalion sa Philippine Army.
Isinagawa ang operasyon sa dalawang marijuana farms, kung saan ang unang site na may land area na 600 square meters ang lapad kung saan 5,000 fully-grown Marijuana plants ang itinanim at may halaga na P1 million.
Habang ang ikalawang site ay may kabuuang land area na 1000 square meters na may tanim na 10,000 fully grown Marijuana plants na nagkakahalaga ng P2 million.
Isinailalim ngayo ng otoridad ang imbestigasyon para malaman kung sini ang nasa likod nito.
Hinahanda na ngayon ang isasampang kaso laban sa mga suspek na nasa likod ng mga illegal Marijuana plantations.