-- Advertisements --

Nasa mahigit P3-milyon halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa apat na suspek sa isinagawang anti-drug operations sa loob ng fast food chain sa Quiapo, Manila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Anisa Pacalna Sambolayang, Aisah Masandag Panontonga, Akisah Bayantol Topaan at Monacaya Ambor Angodot.

Nabawi sa mga suspek ang mga iligal na droga at ang marked money na ginamit na aabot sa P900,000.