BAGUIO CITY – Sinira ng mga otoridad ang kabuuang P3 million na halaga ng mga marijuana plants na kanilang nadiskubre sa magkahiwalay na eradication operations sa mga lalawigan ng Kalinga at Benguet.
Nadiskubre ng mga operatiba ng Benguet Provincial Police Office (PPO) ang tinatayang 10,000 piraso ng fully grown marijuana plants na itinanim at inaalagaan sa bahagi ng kabundukan ng Napsong, Madaymen, Kibungan.
Tinatayang nagkakahalaga ng P2 million ang mga nasabing iligal na halaman.
Nadiskobre din ng mga operatiba ng Kalinga Provincial Police Offic (PPO) ang tinatayang 5,000 piraso ng mga fully grown marijuana plants na tinatayang nagkakahalaga ng P1 million sa magkahiwalay na taniman sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Agad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskobre nilang marijuana plants maliban sa kinuhang samples para magsilbing ebidensia.
Batay sa tala ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera, umabot na sa 78,583 na mga fully grown marijuana plants at 2,500 na mga marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P15.816 million ang binunot at sinunog ng mga law enforcement agencies sa rehiyon mula sa walong eradication operations sa buwan ng Nobyembre ngayong taon.