-- Advertisements --

DAVAO CITY – Naharang ng mga personahe ng Task Force Davao (TFD) sa check point ng Sirawan at Toril Police station ang isang lalaki kung saan nakuha sa kanyang posisyon ang mahigit P3.3 milyong halaga ng shabu.

Nakilala ang suspek na si Jelovi Saberon Alegrabe, 41, may asawa at residente ng Camoning Maniki, Poblacion Kapalong, Davao del Norte.

Sa imbestigasyon ng otoridad, pasado alas-7:00 kagabi ng magsagawa ang Toril PNP sa pangunguna ni Lt. Col. Jed Clamor at mga personahe ng Task Force Davao ng plain view check sa mga sasakyan ng maharang nito ang isang lalaki na nagmaneho kung saan napansin ng otoridad sa kanyang dashboard ang mga drug paraphernalia dahilan na kanila itong pinigilan at ng isinagawa ang imbestigasyon, narekober ang mga malalaking pakete ng iligal na droga na nasa 211.6 grams ang timbang at may street value na higit P3 milyon.

Nasa kustodiya ngayon ng Toril PNP ang mga nakumpiskang iligal na droga samantalang nakatakda naman na sampahan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.