-- Advertisements --
makilala quake
6.5 quake aftermath in Makilala, North Cotabato

KORONADAL CITY – Nagpaabot din ng tulong ang mga kapulisan sa mga apektado ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lt Col Lino Capillan, spokesperson ng PNP-12 umabot sa halos P3 million na halaga ng relief good na ibinahagi ng kapulisan sa apektadong residente sa probinsya ng North Cotabato.

Ayon kay Capillan, pinangunahan mismo ni Brig. Gen. Alfred Corpus ng PNP-12 ang pamimigay ng tulong sa mga residente ng Tulunan, Makilala, Magpet, Mlang at Kidapawan City.

Ipinahayag din ni Capillan na madadagdagan pa ang nasabing tulong kung saan ang ilang pribadong sector kasama ang PNP ay planong magbigay ng mga gamot sa mga residente na nagkakasakit.

Nakaantabay din umano sa ngayon ang PNP Medical team sa North Cotabato upang magbigay ng medikal na tulong.

Sa ngayon, ipinasiguro ng PNP na handa ang bawat pulis sa mga kalamidad lalo pa’t pinaigting na ang pagsasagawa ng earthquake drills.

Samantala, patuloy parin ang pagdating ng tulong para sa mga biktima ng lindol kung saan nagpaabot din ng pasasalamat ang mga residente sa pamamagitan ng mga placards na makikita sa daan sa nasabing probinsya.