-- Advertisements --

Nasa P30-bilyong pondo mula sa Build, Build, Build projects ang inilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga kritikal na areas para makatulong sa laban ng gobyerno kontra sa coronavirus pandemic.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, hindi maapektuhan ngunit maaantala lamang ang major flagship projects na prayoridad ng pamahalaan.

Maaari rin aniya nilang kunin ang nasabing halaga mula sa mga projects na hindi pa raw lubhang kinakailangan sa ngayon.

Sinabi rin ng kalihim na naantala na ng nasa isang buwan ang konstruksyon sa ilang infrastructure projects dahil itinuon ng gobyerno ang kanilang mga hakbang sa pagsugpo sa virus.

Una nang sinabi ni Villar na kasalukuyang nakapokus ang kanilang ahensya sa pagko-convert ng mga convention centers para maging quarantine facilities para sa mga pasyente ng COVID-19.

Tiniyak naman ni Villar na ang mga malalaking Build, Build projects ay prayoridad at matutuloy pa rin sa takdang panahon.