-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Dept of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng higit P30 bilyong piso para sa pension ng mga retiradong military at uniformed personnel ng pamahalaan para sa unang quarter ng 2025.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na malaking tulong ito para sa maraming military at uniformed personnel retirees at kanilang pamilya na umaasa sa pension para sa kanilang pang araw araw na pangangailangan kabilang aniya rito ang pambili ng gamot at pagkain.

Ang P30.409 bilyong pisong pondo ay huhugutin sa pension and gratuity fund sa ilalim ng Republic Act Number 12116 o ang fiscal year 2025 General Appropriations Act o GAA.

Dagdag pa ni Pangandaman kabuuang P16.752 bilyong piso ang naipalabas na sa Armed Forces of the Philippines General Headquarters at sa Philippine Veterans Affairs office sa ilalim ng Dept of National Defense (DND).

Naipalabas na rin aniya ang kabuuang P13.297 bilyong piso sa mga attached agency ng DILG tulad ng PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at National Police Commission.

Para naman sa 34 na pensioners ng National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA ng DENR, nagpalabas ang DBM ng kabuuang P8.530 milyong piso.

Samantala, para naman sa 2,836 na retiradong uniformed personnel ng DOTR ang Phil Coast Guard, nagpalabas ang DBM ng P350.680 milyong piso.