DAGUPAN CITY- Aabot sa P30,000 halaga ng pera ang natangay at nanakaw sa isang piggery farm na pag aari ng isang negosyante sa bayan ng San Quintin, Pangasinan.
Personal na nagtungo sa San Quintin Ps ang mag-asawa na sina Abigail Rivera at Winifred Rivera nagmamay ari ng naturang babuyan at residente ng Barangay Lagasit sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, bago mangyari ang insidente ay iniwan pansamantala ni Rivera ang kaniyang piggery upang bumili ng feeds.
Tanghali na ito nakabalik ngunit dito na rin niya nadiskubre ang mga nawawalang gamit sa loob ng kaniyang maliit na kubo sa mismong piggery farm.
Kabilang na dito ang isang set ng tools na nagkakahalaga ng P15,000, signal box, mga baterya ng motor na may halagang P7,000, mga alak at isang cellphone na mayroong kabuuang halaga na P5,000.
Nadiskubre pa na sinira din ng mga suspek ang isang flat screen TV at isang component na nagkakahalaga ng halos 20,000 pesos.
Samantala natukoy naman agad ng mga kapulisan ang mga suspek na nakilalang sina Jayson Cabato alias “Tiyago”, Marvin Padilla at Jomar Cabubos, mga nasa hustong edad , mga residente ng Brgy Magallanes sa bayan ng Tayug at personal na tinukoy ng biktima na dai niyang mga kasama at katiwala sa piggery farm.
Sa kasalukuyan ay inaalam din natin sa San Quintin Ps kung nagawa ng maaresto ang mga naturang suspek sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa insidente ng pagnanakaw.