-- Advertisements --
Humaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong Pinoy na nahulian ng cocaine at sinasabing mga miyembro ng Western African Drug Syndicate.
Papalo sa 3.3 kilo na cocaine AT nagkakahalaga ng P30 hanggang P45 million ang nasabat sa tatlong suspek sa magkakahiwalay na drug operation.
Kinilala ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran ang mga suspek na sina Ma. Clara Bedigo, Alvin Avila at Antonette Mendiola.
Ayon sa NBI, ang Western African Drug Syndicate ay may mga kasabwat na Pinay na nasa likod ng nadiskubreng cocaine.
Isinalang na rin sa inquest proceedings ang tatlonf suspek sa Department of Justice (DoJ).