-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency ang mahigit sa P30M halaga ng Illegal drugs na binubuo ng Shabu, Marijuana at ampules.

Ayon kay Kat Abad, tagapagsalita ng PDEA 12 na galing sa Region 11, Region 12 at Region 13 ang nasabing mga druga.

May kautusan umano ang korte na magsagawa ng joint destruction na mandato din ng PDEA Director General na sunugin ang mga ebedinsya matapos maturn over sa kanila.

Bago pinasok sa oven sa isang pribadong crematorium dito sa lungsod nagsagawa muna ng random test ang PDEA at tiningnan kung positive sa Illegal drugs ang mga ebedinsya at nagpositibu ang resulta.

Dagdag ni Abad na sa nagdaang taon ginawa ang pagsunog sa mga Illegal drugs sa Davao City.

Kinumpirma din nito na ang rehiyon dose ang drug consuming kayat patuloy ang pagmanman sa drug acitivities.

Nagbunga umano ang kanilang reduction activities sa pamamagitan sa mga operisyon kayat bumaba ang suplay ng druga.

Massive din umano ang barangay drug clearing program habang lumiliit ang bilang mga barangay na hinde pa drug cleared.

Ang buong rehiyon ang may 1,096 na barangay 961 ang drug cleared habang 112 barangay naman ang affected at 23 barangay ang drug free.