-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Magpapalabas ang Central office ng Department of Agriculture ng P30 million na tulong para sa mga magsasaka sa region 2 na napinsala ang mga pananim at alagang hayop sa nagdaang bagyong Quiel.

Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, sinabi ni Regional Executive Director Narcisco Edillo ng DA region 2 na ang 30 million pesos na mula sa Quick Response Fund ng Kagawaran ay gagamitin nila sa pagkakaloob ng binhi at abono para sa mga magsasaka.

Umabot sa P252 million ang halaga ng mga pananim at livestock ang napinsala sa 17 na bayan sa Cagayan.

Sa palay ay 2,250 hectares totally damaged habang 1,600 hectares ang partially damaged at ang halaga ay 152 million pesos.

Sa high value crops kabilang ang mga gulay at at cacao ay 169 hectares na may halaga na P69 million.

Ang livestock na kinabibilangan ng mga nalunod na baka, kalabaw, kambing, pato, manok ay umabot sa P3 million.