Nagkakahalaga sa P30 million pesos na smuggled yellow onions ang nakumpiska ng Bureau of Customs at Department of Agriculture.
Tinatayang nasa 100,000 kilos ang nasabing onions at nakumpiska ito habang nasa loob ng container vans.
Dahil dito, iniimbestigahan ngayon ng kagawaran kung may kaugnayan ito sa kakulangan ng suplay ng sibuyas sa bansa.
Napag-alaman ng ahensiya na walang import documents ang nasabing shipment at hindi sumailalim sa kahit anong food safety regulations.
Inihayag ni Agriculture Assistant Secretary James Layug, nagdulot ito ng banta sa ating mga consumers at peligro sa mga local agri-fisheries sector dahil ang mga cargo ay maaaring magdala ng mga transboundary diseases.
Inirekomenda ngayon ng mga authority mula sa agriculture department na kasuhan ang mga smugglers ng Bureau of Customs (BOC).
Magugunitang sa ngayon ang presyo ng sibuyas ay nasa P300.00 kada kilo sa mga wet markets kahit na sapat ang supply ng sibuyas.