-- Advertisements --

Aabot sa P30 milyon halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).

Sa pamamagitan ng Manila International Container Port Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at X-ray Inspection Project (XIP) ay agad nilang tinugunan ang impormasyong nakuha sa pinuslit na mga iligal na sigarilyo.

Naka-pangalan sa MBS Cargo Movers ang consignee na ito ay nakasaad sa Personal effects.

Lumantad sa mga otoridad ng buksan ang container ang nasa 820 master cases ng Astro brand cigarettes.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.