-- Advertisements --

TOKYO – Tiniyak ni Trade Sec. Ramon Lopez na agad maipatutupad sa lalong madaling panahon ang nilagdaang P300 billion halaga ng business agreements sa pagitan ng Pilipinas at Japanese investors.

Sinabi ni Sec. Lopez, ilan dito lalo sa manufacturing ay masisimulan na ngayong taon.

Ayon kay Sec. Lopez, kabuuang 26 na agreement ang nakapaloob sa nasabing mga business deals na naisara ngayong araw na kinabibilangan ng joint venture, expansion at letter of intent.

Inihayag ni Sec. Lopez, karamihan dito ay operations expansion na aabot sa 19.

Binubuo aniya ito ng malalaking kompanyang may operasyon na sa Pilipinas gaya ng mga kilalang Japanese car companies.