-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa 300-libong piso ang inisyal na danyos sa na-abong walong kabahayan sa Purok 5-C, Ube, Barangay Maon nitong lungsod ng Butuan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni FO3 Ben Sergio Palletero, arson investigator ng Bureau of Fire Protection kon BFP-Butuan, pasado alas-8:54 kagabi sila nakatanggap ng fire call na kaagad nilang nirespondihan gamit ang dalawa nilang mga fire trucks.

Ayon sa kanilang inisyal na imbestigasyon, umabot sa 14 mga pamilya o 37 mga indibidwal ang apektado sa pagkasunog ng walong kabahayan.

Samantala inihayag naman ni Brgy. Maon Kapitan Bob Vicente na makakatanggap ng 12-libong pisong cash assistance ang mg may-ari ng bahay mula sa city government.