-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Aabot sa P300,000 halaga Iligal na Lauaan lumber ang narekober ng mga otoridad sa inabandonang truck sa bahagi ng Balwhartico Port, Brgy. Looc, Allen, Northern Samar.
Ayon kay Lt. Paterno Villarmino, Station Commander ng Philippine Coastguard Northern Samar, na aabot sa 190 piraso ng mga kahoy ang narekober mula sa naturang truck na pinaniniwalaang ibabiyahe sana papunta sa Bicol at ilang parte ng Luzon.
Posible din umano na nakatunog ang mga illegal loggers kayat iniwan nalang ng mga ito na inabandona sa isang lugar.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawa ng imbestigasyon ng mga otoridad nang sa gayon ay matukoy kung saan nagmumula ang mga lauaan lumber.