NAGA CITY – Tinatayang aabot sa P300,000 na halaga ng ilIgal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isinagawang drug buy bust operastion sa Brgy. Sta Cruz Sur, Iriga City.
Kinilala ang suspect na si Jose Laurza residente kan San Vicente, Bato, Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Lt. Col. Alejandro Monge II, hepe ng Iriga Municipal Police Station, sinabi nitong na-recover dito ang nasa 11 heat sealed transparent plastic sachet nin pinagtutubudang shabu, buy bust money at iba pang drug paraphernallia.
Ayon kay Monge, matagal na umanong labas-pasok sa kulongan ang nasabing suspek dahil narin sa pagbebenta ng na droga.
Pinaniniwalaan din na ito ang mismong nagbebenta ng mga pinagbabawal na gamot sa mga bayan na sakop ng 5th district sa probinsiya ng Camarines Sur.
Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspect para sa karampatang disposisyon.