-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Aabot sa P375,000 na kantidad ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad, sa kanilang ginawang buy-bust operation sa Brgy. Poblacion Inopacan, Leyte.
Nakilala ang suspek kay Jay-ar Malaguis, 29 taong gulang, fryman ng manok at residente ng Sitio Clave Brgy. Tinago Inopacan, Leyte.
Ayon kay PLt. Daisy Hallasgo, Chief of Police Inopacan Municipal Police Station, isang high-valued target ang suspek at nakuha sa posisyon nito ang sampung sachet ng shabu at may timbang na 55 gramo, kasama na rin dito ang 500-peso bill, at boodle money na P9,500.
Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang nasabing suspek.